Bumalik na sa Hong Kong si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards para gampanan ang karakter niyang si Ethan sa sequel ng box-office hit na “Hello, Love, Goodbye.”

Sa isang Instagram post ni Direk Cathy Garcia-Sampana kamakailan, ibinahagi niya ang isang video clip ng paglapag nila sa naturang bansa.

“Dito na si Ethan!!!” saad ni Direk Cathy sa caption ng post.

Pelikula

Sequel ng ‘Hello, Love, Goodbye’ kinumpirma na

Naghayag naman ang mga netizen ng kani-kanilang reaksiyon sa video na ibinahagi ng direktor. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hoy! OMG can’t wait for this 🥹😍♥️"

"Finally!!!!! Excited na po kami. Hihi 🥰"

"hahaha ang cute ni alden lagi nia din sinasabi ung signature nia how to pronounce yung mga lugar hahaha atleast sport c alden hindi pikon lol ingat ka jan bebe pogi"

"Can't wait for Joy❤️"

"Omg so excited for this 😍 Welcome here in Hongkong po ❤️ Sana makita ko kayo d2 🫶 Enjoy po"

"Yahoo excited much direk sama mkita ko kayo"

Samantala, nagbahagi rin ang dalawa pang co-star ni Alden sa naturang pelikula ng larawan nila nang magkaakasama.

Matatandaang noong Mayo ay kinumpirma at pinangalanan na ang titulo ng sequel ng pelikula na “Hello, Love, Again.”

https://balita.net.ph/2024/05/19/titulo-ng-bagong-pelikula-nina-kathryn-alden-pinangalanan-na/