Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang simula ng tag-ulan.
Sa inilabas na statement umano ng PAGASA , sinabi nila na ang sunod-sunod na pag-ulan, madalas na thunderstorm, pagdaan ng bagyong Aghon, pag-iral ng southwest monsoon o habagat na nagdala ng ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ay palatandaan ng pag-uumpisa ng rainy season sa bansa.
Pero magkakaroon naman daw ng tinatawag na “monsoon breaks” kung saan titigil ang pag-ulan nang ilang araw o linggo.
Sa kabila nito, nagpaalala ang PAGASA sa posibleng La Niñang mabuo sa July-August-September na posibleng humantong sa mas malakas na pag-ulan lalo na sa mga huling buwan ng taon.
Kaya naman, nagpaalala ang PAGASA sa publiko sa maaaring epekto ng mga serye ng pag-ulan at ng La Niña tulad ng pagbaha at landslide.
MAKI-BALITA: PAWS, may paalala sa publiko sa panahon ng tag-ulan