Inihayag ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo ang naramdaman niya nang i-shoot ang video teaser ng “Hello, Love, Again.”

Sa latest episode kasi ng “New Movie Alert” (NMA) nitong Linggo, Mayo 19, ibinahagi ni Kathryn ang dahilan kung bakit siya kinabahan.

Ayon kay Kathryn: “No’ng nando’n na [sa shoot], ‘action!’ Nag-take si Direk Cathy (Garcia-Sampana). Parang nangapa ulit kami. But then of course, very familiar na kami with the characters. 

“Pero ang tagal ng five years. So, parang nawala na siya sa katawan mo. But then, excited kami at kinakabahan pareho kung paano ulit kami papasok sa character nina Joy at Ethan,” dugtong pa niya.

Pelikula

Anyare? Jessy Mendiola, lilitaw dapat sa 'Mallari'

Bukod pa rito, sinabi rin ni Kathryn na hindi raw niya inaasahan na magkakaroon pa ng sequel ang “Hello, Love, Goodbye” kaya nasurpresa raw talaga siya nang malaman ang tungkol dito.

“Hindi ko naman in-expect na magkakaroon ng sequel itong ‘Hello, Love, Goodbye.” So, when they told me about it just this year after I did ‘A Very Good Girl.’ My next assignment talaga supposedly is ‘Elena,’” lahad niya.

Samantala, kabaligtaran naman ni Kathryn ang co-star niyang si Alden Richards. Ayon kasi sa aktor, matagal na raw niyang hinihintay na masundan ang nauna nilang pelikula ni Kathryn, na pinatotohanan naman ng Direk Cathy.

MAKI-BALITA: Alden, matagal nang pangarap magka-sequel ang ‘Hello, Love, Goodbye’