Bumilib ang direktor ng teleseryeng “Can’t Buy Me Love” na si Mae Cruz-Alviar. dahil sa ipinamalas na husay ng aktres na si Kaila Estrada sa confrontation scene ng naturang teleserye.

Sa ulat ng ABS-CBN News na inilathala nitong Lunes, Mayo 13, sinabi ni Cruz-Alviar na ibinigay raw ni Kaila ang lahat noong kinukunan ang naturang eksena.

“Mahaba 'yong buong gubat. Pero the whole confrontation, tuloy-tuloy lang ‘yon. Halos isang take lang siya. Talagang binigay niya lahat, saka wala na kaming araw. Maganda performance. Talagang buong puso niyang binigay. One take lang ‘yon halos,” saad ni Cruz-Alviar.

“Everyone was an obvious suspect. We wanted something that would surprise the audience. We wanted after the finale the audience would react ‘What?! Siya pala!’ And we are happy that we achieved it.  We wanted to keep it under wraps. In fact, artists and everyone on set got an NDA. We wanted to keep it a secret and a surprise,” aniya.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Dagdag pa ng direktor tungkol sa karakter ni Kaila na si “Bettina:” “There was also a motivation for her to be the main villain. Walang tapon sa cast. Kahit sino magiging killer, sure napapanindigan nila. But Kaila, nakita ko, ito na next gen of superstars.” 

Matatandaang nag-trending ang pangalan ni Kaila kamakailan dahil nga sa naturang confrontation scene na pinuri ng mga netizen sa X.

MAKI-BAITA: Kaila Estrada, puring-puri ng netizens dahil sa galing sa pag-arte

Pero bago pa man ito, hinangaan na rin ng mga netizen at manonood ang natatanging pagganap niya sa TV series na “Linlang” ng Prime Video.