Inamin ng Vivamax sexy actress na si Angeli Khang hanggang ngayon ay marami pa rin daw siyang natatanggap na indecent proposal.

Sa latest episode ng “Updated with Nelson Canlas” nitong Martes, Abril 30, ikinuwento ni Angeli ang tungkol sa bagay na ito.

“Ang dami pong nagcha-chat sa akin, sa Instagram. Tapos maraming beses po nagme-message sa akin ‘yong iba kong friends na tine-text daw sila sa Telegram,” saad ni Angeli.

Pero ayon sa sexy actress, tinatanggihan daw niya ang mga iniaalok sa kaniyang indecent proposal. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Gayunpaman, hindi niya raw maiwasang masaktan kapag nakatatanggap ng gano’ng alok.

“Until now, parang naaapektuhan pa rin po ako kasi minsan naisip ko, wala naman akong ginagawa. Alam ko sa sarili ko na I took my mom’s advice. Isinapuso ko po talaga ‘yong advice ng mom ko na wala akong tatapakang tao, mahal ko ‘yong ginagawa ko,” aniya.

Dagdag pa ng sexy actress: “Kaya ‘pag may nakikita po ako na gano’ng mga issue, parang nasasaktan ako. Dahil ba nagsimula ako sa gan’tong career kaya ‘yan ang ginagawa ng mga tao? O marami ba talagang nagseselos sa mga asawa at jowa nila?”

Ang indecent proposal ay isang alok na kadalasang hinihiling sa mga sexy actress para makatalik ang mga ito. 

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay inamin din ni Angeli ang tungkol sa hindi pagpabor ng mga magulang niya na pasukin ang mundo ng showbiz.

MAKI-BALITA: Heneral na ama, pastor na ina ni Angeli Khang, ‘di bet pag-aartista niya