Hindi naman ipinagkaila ng negosyanteng si Rosmar Tan na na-inspire siya kay Diwata kung kaya’t nagtayo siya ng sariling paresan.

Sa isang vlog ni “Khifer Official Vlog,” nakapanayam nito si Rosmar at tinanong niya kung ginaya nga ba nito si Diwata—tulad ng mga sinasabi umano ng netizens.

Usapang Negosyo

₱100 overload pares ni Rosmar, may kasamang unli swimming!

Si Diwata ay sikat na sikat ngayon sa social media dahil sa kaniyang dinudumog na paresan sa Pasay City.

“Sa totoo lang, hindi ko naman tinatanggi totoo naman charing,” birong sagot ni Rosmar.

“De. Ayun guys na-inspire kasi talaga ako kay Diwata na mag-open ng paresan. Kasi dapat noon pa mayroon na, kumpleto na kami sa gamit. Mayroon na akong stainless na patungan ng paresan, may mga kaldero na ako, kumpleto na,” paliwanag ni Rosmar.

Dagdag pa niya, “Kaso no’ng triny ko talaga ang tagal pala maluto ng beef, tinamad ako. Pero ngayon dahil nga kasi ‘yung kay Diwata is parang nauso ‘yung pork lang, madaling lumambot, mas madaling lutuin, pinush ko na talaga siya.”

“Pero magkaiba naman ‘yung timpla namin, ‘di ba?” sey pa ng negosyanteng social media personality rin.

Ang overload pares ni Rosmar ay may halaga lang na ₱100. Mayroon na raw itong sahog na lechon kawali at chicharon bulaklak. Bukod dito, may kasama rin itong unlimited java or white rice, unlimited sabaw, at isang softdrinks.

Pero mas pinabongga pa ni Rosmar dahil nag-offer din siya ng unlimited swimming na walang extra charge.

BASAHIN: ₱100 overload pares ni Rosmar, may kasamang unli swimming!

Matatagpuan ang paresan ni Rosmar sa kaniyang resort sa Laguna na “R Mansion Resort & Restobar.”

Bukas daw sila mula Lunes hanggang Linggo simula 10 AM.

Samantala, may itinatayong bagong resort sa Tagaytay si Rosmar na gagawin niyang second branch ng overload pares.

BASAHIN: Para sa ‘₱100 overload pares’: Rosmar, nagpapatayo ng resort sa Tagaytay

https://balita.net.ph/2024/04/22/para-sa-%e2%82%b1100-overload-pares-rosmar-nagpapatayo-ng-resort-sa-tagaytay/