Nagsalita na ang may-ari ng Taragis, isang takoyaki store, na si Carl Quion kaugnay sa ginawa nilang pakulo noong April Fool’s Day.

Sa kaniyang video statement na ibinahagi sa Facebook nitong Sabado, Abril 6, inamin niyang isa lang umanong marketing stunt ang inilabas nilang post kung saan nakalagay rito na tatanggap ng ₱100,000 ang unang makapagpa-tattoo ng logo ng Taragis sa noo.  

“Aamin na ako. Nagsimula ang lahat sa isang ideya. Ideya na kung magagawa ko, magbabago ang takbo ng lahat,” kuwento ni Carl.

“Wayback April 1, 2023 ay nag-iisip ako ng susunod na plano. Kailangan makabuo ako ng ingay para mag-viral ang ‘Taragis.’ Kailangan ay maging involve ang maraming tao rito para kumalat sa buong Pilipinas,” aniya.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Dagdag pa niya: “Oo, nagsinungaling ako sa inyo at gusto kong humingi ng tawad. Dinala namin kayo dito sa isang malaking marketing stunt na may iba’t ibang klase ng emosyon, diskusyon, at pagpapakitang-tao.”

Pero bago pa man ito, nauna nang maghayag ng saloobin ang social media personality na si Xian Gaza na tila hindi kumbinsido sa lalaking nagpa-tattoo sa noo.

MAKI-BALITA: Scripted? Xian Gaza, ‘di kumbinsido sa lalaking nagpa-tattoo sa noo

Matatandaang tinotoo ng isang lalaking nagngangalang “Ramil Albano” ang April Fool’s post ng Taragis.

MAKI-BALITA: Para sa ₱100K: April Fools’ post ng takoyaki store, tinotoo ng isang lalaki

Humakot ng samu’t saring reaksiyon ang naturang post matapos sabihin ng naturang takoyaki store na wala umano silang pananagutan sa ginawa ni Ramil dahil malinaw namang prank lang umano ito.

Dahil dito, maraming brands at social media personality na nagpakita ng interes para matulungan si Ramil lalo na nang malaman nilang ginawa nito ang naturang challenge para sa anak na may down syndrome.

MAKI-BALITA: Lalaking ‘kumagat’ sa April Fools’ post ng takoyaki store, inulan ng blessings

MAKI-BALITA: Rosmar, sagot na ang P10K ng lalaking kumasa sa April Fools’ post

MAKI-BALITA: Lalaking kumasa sa April Fools’ post, ginawa prank para sa anak na may ‘Down syndrome’

Pero kalaunan, pinuntahan din ni Carl ang bahay ni Ramil para personal niyang iabot ang reward nito sa naturang challenge.

MAKI-BALITA: May-ari ng takoyaki store, pinuntahan lalaking ‘kumagat’ sa kanilang April Fools’ post