Tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang malalang problema ng traffic sa Pilipinas lalo na noong nagdaang Mahal na Araw.

Sa isang bahagi ng kaniyang latest vlog nitong Linggo, Abril 7, iginiit ni Marcos, Jr. ang higit na kakulangan ng mga Pilipinos sa disiplina sa kalsada.

“Ang higit na kakulangan nating mga Pilipino sa daan ay ang disiplina. Dapat sumusunod tayo sa traffic rules [...] May bago mang kalye kung luma pa rin ang ugali natin, wala rin,” saad ng pangulo.

“Ang pagbibigayan sa daan ay kailangan pa nating ipaalala sa bawat isa sa ating mga sarili. Ang bagong Pilipino ay disiplinado sa kalye. Sumusunod sa batas-trapiko. Nagbibigay sa kapuwa. At higit sa lahat, hindi naghahari-harian sa daan,” aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Dagdag pa niya: “Kapag nakapagbigayan naman tayo, kapag pinagbigyan ka, mag-thank you ka. Pinadaan ka, mag-thank you ka. Kumaway ka lang nang kaunti, malaking bagay ‘yon.”

Kaya naman, pangungunahan umano ng pamahalaan ang pagiging disiplinado sa mga lansangan dahil hindi raw kasama sa pribilehiyo ng sinumpaan nilang tungkulin ang pang-aabuso at pambabalewala sa mga umiiral na batas-trapiko.