Ngayong Huwebes Santo, Marso 28, nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga mananampalataya na pagsilbihan ang kanilang kapwa at ipakalat ang pag-ibig sa kanilang komunidad.
Sa isang Facebook post, ipinanalangin ni Marcos ang isang ligtas at makabuluhang Semana Santa para sa mga Pilipinong Kristiyano.
“As we reflect on the love and selflessness of Jesus Christ, may we also find ways to serve others with the same compassion and grace, spreading love and understanding in our communities,” ani Marcos.
“We pray for a safe and meaningful Holy Week for all.”
Ipinagdiriwang ngayong Huwebes Santo ang pagsisimula ng Easter Triduum kung kailan nangyari ang Huling Hapunan hinugasan ni Hesus ang mga paa ng Kaniyang mga disipulo.