Suspendido ang ipinatutupad na expanded number coding scheme o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Holy Week.

Sa Facebook post ng MMDA, hindi huhulihin ng ahensya ang mga lalabag sa number coding ngayong araw, Marso 27 (Miyerkules Santo), Marso 28 (Huwebes Santo), at Marso 29 (Biyernes Santo).

 

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Muling ipatutupad ang UVVRP sa Lunes, Abril 1.

 

Ang number coding ay ipinatutupad mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.