Inusisa ni Asia’s King of Talk Boy Abunda si “Love, Die, Repeat” star Xian Lim tungkol sa nais nitong balikan sa nakaraan.

Sa latest episode ng “Fast Talk” nitong Biyernes, Marso 22, sinabi ni Xian na ang gusto raw niyang balikan ay ang unang beses niyang mag-audition para sa entertainment industry.

“I think I would go back to the first day na I auditioned to the entertainment industry. Para kasing I had no clue what I was entering, e. And maybe I would make myself cooler,” saad ni Xian.

“I think I was just galing akong States. Kalbo pa ako no’n. And I really didn’t know much about the industry. All I knew is gusto ko lang ‘yong sarili ko sa TV,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, kung mayroon naman daw siyang hindi na babalikan pa ay ang mga kontrobersiyang naidikit sa kaniyang pangalan.

“It’s a learning process. I don’t know what’s happening. So, maybe ‘yon mga gano’n hindi ko na babalikan because it’s a very painful time. And, yeah, it’s take a lot of maturity,”  aniya. 

Matatandaang may isang pagkakataong pinalagan ni Xian ang mga isyung umaaligid sa kaniya sa gitna ng umuugong na hiwalayan nila ng ex-jowa niyang si Kim Chiu.

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Gayunpaman, inamin ni Kim sa isang panayam na bukas pa rin naman daw siya sa posibilidad na makatrabaho ang kaniyang ex-jowa.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, okay lang daw makatrabaho si Xian Lim