Posible nga bang mawala sa ere ng GTV, sister channel ng GMA Network, ang “It’s Showtime” ngayong namalaam na ang katapat nitong noontime show na “Tahanang Pinakamasaya?”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Marso 11, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz na pinag-iisipan umano ng GMA Network kung ilalagay ba nila sa binakanteng timeslot ng “Tahanang Pinakamasaya” ang “It’s Showtime” o gagawa ng bagong programang itatapat sa huli.

“Ang nakakaloka diyan, Loi, kung gagawa sila ng bagong programa na produce by GMA 7, posibleng mawala sa GTV ang ‘It’s Showtime?’” saad ni Ogie.

Sey tuloy ng co-host niyang si Mama Loi: “‘Di ba pwedeng sabay?”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Hindi ko alam,” sagot ni Ogie, “kasi kung produce ng GMA ‘yon e ang GTV e under din ng GMA. Dati okay lang, kasi block timer ang TAPE, Inc. sa ‘Tahanang Pinakamasaya.’”

Dagdag pa ng showbiz insider: “E, ngayon kung ipo-produce ng GMA ang bagong noontime show na makakatapat ng ‘Eat Bulaga’ at ng ‘It’s Showtime,’ posible. Malamang sa malamang matanggal sa GTV ‘yong kalaban ng show na produce ng GMA 7 which is ‘yong ‘Showtime.’”

Kaya ang suhestiyon ni Ogie, ilagay na lang ang “Showtime” sa mismong GMA Network lalo na’t ngayon ay isa nang content provider ang ABS-CBN.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang balita.