Mahigit 3,400 na lumabag sa batas-trapiko ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) nitong Pebrero.

Kabilang sa tinikitan ng ahensya ang mga lumabag sa "No Registration, No Travel" policy.

Hinuli rin ang mga nagmomotorsiklong naka-tsinelas, walang dalang kopya ng official receipt (OR) at certificate of registration (CR) ng kanilang sasakyan, walang dalang driver's license at hindi paggamit ng seat belt device.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Paglilinaw pa ng ahensya, tuloy-tuloy lamang ang kanilang operasyon para na rin sa kapakanan ng mga motorista at iba pang gumagamit ng lansangan.