“Hindi natin dini-discount na maaapektuhan nito ang ani, dahil pasimula pa lamang ang dry harvest season, so meron itong kaunting kink sa expected harvest, pero sa ngayon, we would like to assure the public na sapat ang ating supply ng bigas at pagkain," sabi ni TF El Niño spokesperson Joey Villarama.

Aniya, tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong magsasaka.

Ilang rehiyon na rin aniya ang naidagdag sa apektado ng El Niño, kabilang dito ang Region 1 (Ilocos), at Region 4B (Mindoro-Marinduque-Romblon, Palawan).

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nakitaan aniya ng pinsala ang mga sakahan sa mga nabanggit na lugar.

Sa naunang pagtaya ng task force, nasa 275,000 ektarya ng lupain ang inaasahang maapektuhan ng tagtuyot sa bansa hanggang Mayo.