Proud na proud si TV host Mariel Rodriguez sa kaniyang mister na si Senador Robin Padilla, unang-una, ay dahil naipasa na sa senado ang "Eddie Garcia Bill" na naglalayong magprotekta sa mga taong nasa harap at likod ng camera ng industriya ng showbiz.

Tila dedma naman si Mariel sa mga batikos at masasakit na salitang natanggap dahil sa kinuyog na glutathione drip session niya sa mismong opisina ng mister sa senate building.

"Supported the Eddie Garcia Bill at the Senate 😍 soooo proud of you @robinhoodpadilla i know the hard work you put into it. Pinahanga mo nanaman ako. 💕 so nice seeing friends from the industry. 👍🏼," ayon sa Instagram post ni Mariel kalakip ang larawan nila ng mga senador at ilang showbiz personalities sa senado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagkatapos, todo-flex naman si Mariel sa larawan nila ni Robin habang sila ay nasa aisle ng simbahan matapos dumalo sa isang kasal.

"You are the best @robinhoodpadilla i love you 😘😘😘 i’m so blessed 🥹," aniya.

Kapansin-pansing nakasarado ang comment section ng nabanggit na IG post.

Matatandaang pinagtanggol ni Sen. Robin ang kaniyang misis matapos itong batikusin dahil sa gluta drip session sa loob ng senado.

Humingi naman ng paumanhin ang senador sa mga taong naapektuhan o hindi nagustuhan ang ginawa ng asawa niya.

Nangako naman si Senate ethics and privileges committee chair Senator Nancy Binay na sisiyasatin ng senado ang tungkol sa bagay na ito.

MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react

MAKI-BALITA: Gluta drip session ni Mariel, paiimbestigahan daw ng senado

MAKI-BALITA: Mariel baka may napo-promote na ipinagbabawal, ilegal sey ni Sen. Nancy