Iginiit ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na gumuguho na umano ang bilang ng mga sumusuporta sa mga Duterte matapos ang naging resulta ng survey ng OCTA Research hinggil sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang inilabas ng OCTA kamakailan ang resulta ng kanilang survey kung saan mahigit sa kalahati umano ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat makipagtulungan ang pamahalaan ng Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

“More Filipinos now want accountability for fake drug war killings during the Duterte regime, as well as other forms of human rights violations in the present and future administrations," giit ni Castro sa isang pahayag nitong Lunes, Pebrero 19.

55% ng mga Pinoy, naniniwalang dapat makipagtulungan gov’t sa ICC – OCTA

"The survey also shows that the Dutertes' mass support is eroding as more people are speaking up against the human rights violations during the last administration," dagdag pa niya.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang mambabatas sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan sa ICC at ibalik ang bansa bilang miyembro nito.

"As it is, we are calling on the Marcos administration to cooperate with the ICC and return as a member,” saad ni Castro.

Ayon sa mga ulat, mahigit 6,000 katao ang pinatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte, kung saan inihayag naman umano ng iba’t ibang international human rights organizations na nasa 12,000 hanggang 35,000 ang aktuwal na bilang ng mga nasawi dahil dito.

Samantala, matatandaang inihayag kamakailan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin “Boying” Remulla na naninindigan siyang walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

https://balita.net.ph/2024/02/09/remulla-nanindigang-walang-jurisdiction-icc-sa-ph-our-system-has-proven-its-efficacy/

Ito ay matapos iginiit ni Marcos na itinuturing niyang “banta” sa soberanya ng bansa ang ICC at hindi umano makikipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon nito sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

https://balita.net.ph/2024/01/23/pbbm-i-consider-icc-as-a-threat-to-our-sovereignty/

Inihayag naman kamakailan ni Duterte na hindi umano siya pahuhuli nang buhay sa ICC.

https://balita.net.ph/2024/02/09/ex-pres-duterte-di-raw-pahuhuli-nang-buhay-sa-icc-uubusin-ko-yang-mga-png-ig-yan/