Nasangkot sa isang aksidente ang “Queen of Soul” na si Jaya sa Sacramento, California habang bumibiyahe papuntang Graton Casino.

Sa latest Instagram post ni Jaya nitong Lunes, Pebrero 19, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit siya pupunta sa nasabing lugar.

“On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V's concert...when all of a sudden we get into a car collision,” lahad ni Jaya.

“My friends Dr. Josephine Weber was driving and with us was Auntie Merly Escolta (her cousin) when suddenly we get hit from the back. I am doing ok but my friends are being checked and they will be alright, by God's grace,” aniya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagpasalamat si Jaya para sa ipinadala umanong divine protection ng Panginoon na naging dahilan para hindi maging malubha ang kanilang kalagayan kahit papaano.

Dagdag pa niya: “Thank you Lord for making it another day. I am grateful for your mercy and grace. Praise your Holy name,”

Sa kasalukuyan, nasa maayos na kalagayan naman daw ang kaibigan niyang doktor at ang kaniyang tita.

“Please wear your seatbelts, AT ALL TIMES WHEN YOU ARE IN A VEHICLE, especially if you're a back seat passenger. ✝️🙏🏼” paalala pa ni Jaya.

Nagulantang naman si Regine sa nangyari sa kaniyang kaibigan: “Oh my goodness are you ok??”

“@reginevalcasid Love you Mare sorry di ako nakarating sa concert mo 🙏🏼 and thank you Pare @ogiealcasid,” tugon ng Queen of Soul.

Bukod kay Regine, nagpaabot din ng panalangin ang iba pang kaibigan ni Jaya sa industriya gaya nina Candy Pangilinan, Louie Ocampo, Vicki Belo, Vina Morales, at marami pang iba.