Totoo nga ba talagang dedma lang si “It’s Showtime” host Kim Chiu kaugnay sa ipinalit umano sa kaniya ng dating jowang ni Xian Lim?

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Pebrero 16, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin at ng co-host niyang si Romel Chika ang kanilang pananaw tungkol dito.

“Itong si Kim Chiu, super dedmatology 101. Unbothered. Kasi nasaktan ka na, bakit kinakailangan mo pang magpasakit?” saad ni Romel.

Pero para kay Cristy, masyado pa raw maaga ang hiwalayan nina Xian at Kim para sabihing unbothered ang huli sa lumulutang na kuwento hinggil sa bagong jowa ng dating nobyo.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Hindi naman po ‘yan sakit ng ulo na ininuman mo lang ng Paracetamol, e, wala na. Nandoon pa rin syempre ‘yan. May sakit pa rin. Pero nasa pagdadala, ‘ika nga. Kaya unbothered,” aniya.

“Sabihin na lang natin na pinagagaling ang kaniyang puso. Pero ‘yong unbothered, hindi pa pwedeng i-apply kay Kim Chiu,” dugtong pa niya.

Matatandaan kasing nagsimulang lumutang ang usap-usapan na si Iris Lee umano ang bagong jowa ni Xian matapos maispatan ng mga netizen ang larawan nilang dalawa na magkaakbay sa isang driving school.

Pero bago pa man ito, nauna nang naiulat at napag-usapan sa vlog ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol kay Iris maski hindi pa hiwalay noon sina Xia at Kim. 

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’