Napa-react si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa balitang naibenta sa halagang ₱250,000 ang kabaong na hinigaan niya sa blockbuster movie nila ng kaniyang asawang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na “Rewind.”
Sa isang Facebook post, shinare ni Dingdong ang isang balita hinggil sa pagkakabenta ng sa ginamit niyang ataul sa YouTuber na si Boss Toyo.
“Mejo comfy siya ha….,” hirit ni Dingdong na pinatutungkulan ang hinigaan niyang kabaong.
Sa isang episode ng “Pinoy Pawnstars” na inilabas nitong Biyernes, Pebrero 16, nagtungo sa shop ni Boss Toyo ang Funeral homes businessman na si Pasky Ilagan mula sa St. Athanasius Memorial Chapel sa San Andres Bukid, Maynila, para ibenta ang ataul na ginamit ni Dingdong sa pelikula.
Matapos magkasundo at maibenta sa halagang ₱250,000, nanawagan pa si Boss Toyo kay Dingdong na bisitihan siya sa kaniyang munting shop para pirmahan sana ang naturang ataul.
Kinilala kamakailan ang “Rewind” bilang “highest-grossing Filipino movie of all time matapos itong tumabo ng halos isang bilyon.
Tinalbugan ng pelikula ang kinita ng “Hello Love Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong 2019 na ₱881 million.
https://balita.net.ph/2024/01/31/kita-ng-rewind-malapit-nang-mag-%e2%82%b11-bilyon/