Iginiit ni Vice President Sara na walang anumang problema sa relasyon nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang media interview sa Malaysia nitong Lunes, Pebrero 12, sinabi ni Duterte na maayos ang relasyon nila ni Marcos, sa trabaho man o personal na buhay.

"We have no problem with each other. President Bongbong Marcos and I are doing good. We are okay in terms of our relationship, both personal and work relationship,” ani Duterte.

Sinabi rin naman ng bise presidente na hindi raw nagtanong sa kaniya ang pangulo hinggil sa mga tirada kamakailan ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“Hindi naman nagtanong sa akin si Pangulong Marcos about sa mga sinabi ng aking kapatid at tatay,” aniya.

Matatandaang noong Enero 28, nagsagawa ang pamahalaan ng “Bagong Pilipinas” kick-off rally sa Quirino Grandstand, habang nagsagawa rin ang pamilya Duterte ng Prayer rally kontra Charter Change (Cha-Cha) sa Davao City.

Sa isinagawang prayer rally sa Davao City noong Linggo, tinawag ni dating Pangulong Duterte si Marcos na “drug addict.”

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

Itinanggi naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Marcos sa kanilang drug watchlist.

MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM

Matapos ang tirada sa kaniya, iginiit naman ni Marcos na baka nasabi raw ni dating Pangulong Duterte ang naturang mga pahayag laban sa kaniya dahil sa pagtira umano nito ng “fentanyl.”

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM

Samantala, sinabihan naman ni Mayor Baste si Marcos na “tamad” at kulang daw sa “compassion” bilang punong ehekutibo ng bansa.

MAKI-BALITA: Mayor Duterte kay PBBM: ‘You are lazy and you lack compassion’

Bukod dito, igiit pa ng alkalde na dapat na raw magbitiw sa pwesto ng pagkapangulo si Marcos kung wala raw itong pag-ibig para sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM

Kaugnay nito, nito lamang Lunes ay naglabas ng opisyal na pahayag si VP Sara ukol sa panawagan ni Mayor Baste na mag-resign na si Marcos bilang pangulo.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagsalita ukol sa panawagan ng kapatid na mag-resign na si PBBM