Ibinuking ni dating Hashtag member Nikko Natividad ang isang katangian ni Kapamilya actor Enrique Gil sa latest episode ng “Magandang Buhay” nitong Lunes, Pebrero 12.

Sa isang bahagi kasi ng panayam, naitanong ni Asia’s Songbird Regine Velasquez si Nikko kung kumustang katrabaho si Enrique lalo na’t unang beses nitong nakatrabaho ang aktor sa pelikula nilang “I Am Not Big Bird.”

“Kay Nikko naman, first time mong makatrabaho si Quen [Enrique]. How was the whole experience?” usisa ni Regine.

“Masaya. Saka kasi ang tingin ko dati kay Enrique kapag nakikita ko siya sa Instagram perfect siya, e. ‘Yon pala kapag pinapagpawisan siya, umaasim din siya.” saad ni Nikko.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Oo,” sang-ayon naman ng stand-up comedian at co-star nilang si Red Ollero.

“Kasi lagi kaming pawis sa Thailand, e. Nasa initan kami. Pero talagang mukha siyang mabango lagi, ‘no? Amoy pulbo, e,” dugtong pa ni Nikko.

Natawa lang naman si Enrique sa mga sinabing ito ni Nikko tungkol sa kaniya.

Samantala, nakatakdang ipalabas sa darating na Valentine’s Day, Pebrero 14, ang “I Am Not Big Bird.”

MAKI-BALITA: Ihanda ang mga kiffy! ‘Big Bird’ ni Enrique bubuyangyang na