Sinisita ng maraming netizen ang pag-arte ng Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa na siyang kontrabida sa pinagbibidahang panghapong serye ni Elle Villanueva, ang Makiling.

Kung babasahin ang comment section ng pag-post ng GMA Network at GMA Public Affairs sa ilang clips ng mga eksena mula rito, makikitang inookray nila ang paraan ng pagganap ni Myrtle, na sinasabihan nilang "OA" o over-acting, "trying hard," at "kulang pa raw sa workshop."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Hindi bagay..prang pilit pg umarte"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"medjo oa d bgay sknya ung acting na kontrabida"

"Ang OA ni mryttle d nea bagay maging kontrabida puro tawa tawa lng dpt si thea na lng ang kontrabida"

"#MTRCB punahin nyo namn ung mga palabas na sobrang brutal sa kasamaan di maganda para sa kabataan na nakakapanuod.."

"Honestly di bagay kay Myrtel yung role nya. Pilit na pilit kulang sa workshop."

"Ang OA ni myrtle haha puros sigaw tawa lang alam pati magsalita ganun din kulang sa acting pa…more practice pa siguro..sana iba nalang kinuha para sa papel niya hehehe"

'Hilaw pa si Myrtle kulang pa sa workshop!"

"Hahaha ung ginagaya ang maarteng sosyal na maldita na Irene Tui pero d kaya, ang layo sorry po tlaga sana hndi pinipilit na sabayan nila acting role ni Irene Tui kasi d nila kaya mas nakakatawa pa tuloy si Myrtel nakakawa tuloy."

Samantala, wala pang sey, reaksiyon, o pahayag si Myrtle kaugnay nito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.