Bagama’t tila napakahaba ng nagdaang buwan ng Enero, walang naitalang nabuo o pumasok na bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR). Sa pagpasok naman ng buwan ng Pebrero o Feb-ibig, mararanasan kaya ng Pilipinas ang unang bagyo para sa taong 2024?

Base sa Public Weather Forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Pebrero 1, inihayag ni Weather Specialist Benison Estareja na “zero” hanggang “isa” ang bilang ng bagyong pwedeng mabuo o pumasok ng PAR ngayong buwan.

Nangangahulugan itong kalahati ang tsansang may pumasok o mabuong bagyo ngayong Pebrero. At kung meron man, papangalanan daw ang naturang sama ng panahon na “Aghon.”

“Ito ang magiging unang bagyo for the year 2024,” ani Estareja.

Bakit nakapangalan sa tao ang mga bagyo?

Base naman sa average tracks ng PAGASA, mayroon daw dalawang scenario ng mga bagyo para sa buwan ng Pebrero.

Una, ang nabubuo raw na bagyo sa silangan ng Mindanao ay umaakyat nang bahagya at lalapit o magla-landfall sa lugar ng Visayas o Mindanao.

Ang ikalawang scenario naman, ayon kay Estareja, ay ang nabubuong bagyo sa Pacific Ocean, kung saan papasok ito sa PAR ngunit lilihis din o magre-recurve palayo ng bansa.

Kaugnay na Balita: