Nagbigay umano ng pahayag ang kampo ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo kaugnay sa napipintong pag-alis nito sa talent arm ng ABS-CBN na Star Magic.

Matatandaang kamakailan ay lumutang ang bali-balitang lilipat na umano si Kathryn sa Crown Artist Management (CAM) na pinangangasiwaan ng mag-asawang sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Pero ayon sa ulat na inilabas ng Philippine Entertainment Portal o PEP, pinabulaanan umano ng kampo ni Kathryn ang tungkol sa balitang ito.

In fact, nakipag-meeting na raw ang Star Magic sa aktres noong Enero 24. Matagal na raw talagang naka-schedule ang nasabing pagpupulong at nagkataon lang na lumabas ang balita tungkol sa pag-exit ni Kathryn sa talent arm ng ABS-CBN.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

May mga ‘binulungan’ na rin daw ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo tungkol sa pananatili ng anak sa kasalukuyan nitong talent arm. Kaya malabo raw na umalis ito sa Star Magic.

Hiningan naman ng PEP si Rambo ng pahayag tungkol sa paglipat ni Kathryn sa CAM pero sinabi niyang hindi raw siya aware hinggil dito.

“I really don’t have any statement because I’m not aware of anything regarding that,” saad niya.

Samantala, nauna nang naiulat na ang ex-jowa ni Kathryn na si Daniel Padilla ay nag-renew na ng kontrata sa Star Magic.

MAKI-BALITA: Daniel mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN, Star Magic; Kathryn, lalayas na?