Tila umabot na raw sa sukdulan ang gusot sa pagitan ng mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Enero 23, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nalaman niyang tsika tungkol sa mag-asawa.

“Itong si Richard Gutierrez saka si Sarah Lahbati…anong ending? Wala silang prenup. O, ayan. Ngayon ‘di ba ang tsika e nandoon na sila sa separation of properties,” saad ni Ogie. 

“Ha? Akala ko ba, Nay, sabi ni Sarah Lahbati, ‘we’re okay’?” tanong ng co-host niyang si Mama Loi.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Sagot naman ni Ogie: “Pero sabi naman ng source ko, nandoon nga raw sila sa estado ngayon na naghahatian.”

Dagdag pa ng showbiz insider, kaya siguro “we’re okay” ang naisagot ni Sarah dahil minsan ay nasa limbo sila. O kaya naman, ayaw lang talaga nitong makasakit ng ka-partner.

Anyway, pwede naman daw kumpirmahin o pabulaanan ng magkabilang panig ang isyung ito tungkol sa separation of properties nila. 

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Richard at Sarah tungkol dito.

Matatandaang nauna nang naiulat noong nakaraang taon ang posibilidad na magpa-annul ang dalawa.

MAKI-BALITA: Richard, Sarah posibleng magpa-annul?

Nagsimulang umugong ang bali-balitang hiwalay na sila noong mapansin ng mga netizen na hindi na sila magkasama sa mga ibinabahagi nilang picture sa kanilang social media accounts noong Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na