May ilang linggo na rin ang nakalilipas simula nang ma-link ang aktres na si Barbie Imperial sa aktor na si Richard Gutierrez matapos silang maispatan sa isang bar.

Pinakalat ng mga netizen na nakakita sa kanila sa bar ang tagpong magkatabi sina Barbie at Richard sa isang mesa, at may lumabas pang very gentlemen pa raw ang trato ni Chard kay Barbie kahit pupunta lang sa CR ha!

Pinutakti ng intriga si Barbie dahil nga hanggang ngayon, wala pa ring linaw kung ano na ba talaga ang status ng married life nina Chard at misis niyang si Sarah Lahbati.

Kaya naman, sinegundahan na ito ng showbiz columnist na si Cristy Fermin at sinabi niyang walang namamagitang kahit na anuman sa dalawa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Naaawa raw siya kay Barbie dahil lagi na lamang itong nakakaladkad sa mga ganitong klaseng intriga.

Unang- una, wala naman pong katotohanan na may relasyon sila ni Richard," ani Cristy sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Now Na."

"Nagkatagpo lang sila, nagkataon lamang po 'yon na nagkita sila sa isang bar. Umupo lamang po si Richard sa tabi ni Barbie. Wala pong katotohanan na binantayan niya si Barbie hanggang CR. Kalokohan po 'yon, OA na po 'yon to the highest degree. Nagkita lamang po sila sa isang bar at dahil konektado sa hiwalayan si Richard kay Sarah, natural doon napokus ang atensyon ng mga naroon."

"Hindi po natin dapat na husgahan at maliitin si Barbie Imperial. Unang-una, wala po siyang kasalanan dito. at hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez. Wala pong ganoo," sundot pa ni Cristy.

Bago pa si Cristy, matatandaang nauna na ring sinabi ni Ogie Diaz na hindi totoong may something na ang dalawa.

Lingid daw sa kaalaman ng lahat, si Barbie ay isa sa stockholders ng nabanggit na gastropub, at nagkataong bilang may-ari ay inestima niya si Richard na kaibigan din naman ang iba pa niyang kasosyo sa negosyo.

Ilang minuto lang daw nagkausap sina Barbie at Richard subalit naging mabilis na kaagad ang mga nakakita sa kanila sa pagkuha ng video at pagpapakalat nito sa social media.

Kaya mula mismo sa source ni Ogie, walang anumang malisya o relasyon sa pagitan nina Richard at Barbie.

Sa palagay ni Ogie, mainit ngayon ang mga mata ng tao kay Richard sa kung sinumang babae ang makitang kasama niya, hindi lamang si Barbie, kundi maging sa iba pa kung sakali.

Kaya naman medyo naaawa na si Ogie kay Barbie dahil nagkakaroon tuloy ng image ito na parang "play girl."

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial