Tinutugunan na ng Department of Agriculture (DA) ang pangangailangan ng mga magsasaka ng sibuyas na inatake ng armyworm ang kanilang pananim sa sa Nueva Ecija at Tarlac.

Paliwanag ng DA, kabilang sa kanilang hakbang ang pamamahagi ng ayuda, material aid katulad ng onion seeds, pheromone lures (trap). at oil-based insecticides.

"The Department of Agriculture has stepped up efforts to deal with armyworm infestation and provide assistance to affected onion farmers in several towns in Nueva Ecija and Tarlac," ayon sa pahayag ng ahensya kamakailan.

Sa datos ng DA, nasa 366 ektarya mula sa kabuuang 10,217 ektarya ng taniman ang naapektuhan ng pag-atake ng armyworm.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Kabilang sa mga naapektuhan nito ang Bongabon, Talavera, at Palayan City sa Nueva Ecija, at Anao at San Manuel sa Tarlac.

Idinagdag pa ng DA, walang naiulat na infestation sa Bataan, Pampanga at Zambales.