Ibinahagi ni “Senior High” star Andrea Brillantes kung paano niya na-handle ang mga natanggap na kaliwa’t kanang batikos noong mga huling buwan ng nakalipas na taon.
Bago kasi sumalang bilang Star Patroller sa TV Patrol noong Biyernes, Enero 19, eksklusibong kinapanayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe si Andrea.
“How did you handle those months na you were on rapid fire left and right comments?” tanong ni MJ.
“To be honest po, talagang puro lang po ako nagcha-church. And I was strengthening my relationship with God. And then naniniwala lang po ako sa kaniya,” sagot ni Andrea.
“When you seek God kasi you find peace. And I found naman—I wasn’t really at peace. Pero I had peace. I have peace. I have peace of mind through Him,” aniya.
Dagdag pa niya: “And my family. Solid naman po kami n’on. And my friends. And patuloy lang po. Doing good lang. Trabaho lang nang trabaho.”
Matatandaang dumalo si Andrea sa isang Sunday worship service batay sa kaniyang Instagram story noong Disyembre 2023.
MAKI-BALITA: Andrea, flinex pagdalo sa Sunday worship service
Nang tanungin naman ang aktres kung mahirap na proseso ba ang paghahanap sa tinutukoy niyang “peace”, sinabi niyang hindi raw madali kung paanong hindi rin naman daw ito mahirap.
“Kasi buo naman po ‘yong faith ko. So, hindi talaga siya mahirap pero hindi ko sasabihing madali siya. May moments, may moments. Pero at the end of the day, babalik pa rin ako sa ‘why am I here’. Babalik ako sa family ko. Babalik ako sa mga pangarap ko,” paliwanag pa niya.
Nagsimulang makatanggap ng mga batikos si Andrea matapos niyang ma-link sa kaniyang kapuwa Kapamilya star Daniel Padilla.
MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?
MAKI-BALITA: Instagram account ni Andrea Brillantes, pinutakti rin ng netizens