Tila hindi umano gusto ng talent manager at actress na si Annabelle Rama ang pagiging burara umano ng kaniyang manugang na si Sarah Lahbati.

Sa latest episode kasi ng Cristy Ferminute nitong Huwebes, Enero 18, binasa ni showbiz columnist Cristy Fermin ang isang komento ng tagasubaybay ng kaniyang programa na kaya raw hindi gusto ni Annabelle si Sarah ay dahil mana raw ito sa magulang nito. 

“Kung alam n’yo lang po ‘yong mga kuwentong nakarating sa amin tungkol doon sa pagiging masinop sa bahay, pag-aalaga sa mga bata. Si Tita Annabelle pa naman, maburiri sa bahay. Punasan mo ang mga muwebles, wala kang makikitang alikabok.

“E, nakikita niya ‘yong bahay nina Richard magulo. Ang gulo-gulo. Tapos nakahiga ‘yong manugang, tutulog-tulog…Kahit ba may kasambahay, dapat hands on ka rin ‘di ba?” aniya. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Sumang-ayon naman kay Cristy ang co-host niyang si Romel Chika: “Korek! Para gayahin ka ng kasambahay. Dapat ikaw mismo marunong maglinis o magpahalaga sa mgagamit.”

Matatandaang nauna na ring iulat ng showbiz insider Jobert Sucaldito sa kaniyang vlog ang tungkol sa hindi pagiging hands-on mom ni Sarah.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati ‘di hands-on mom, battered wife?

Hindi pa naman nagbibigay ng anomang pahayag si Sarah para kumpirmahin o pabulaan ang bagay na ito.