Naungkat ang isang panayam ni Kapamilya star Daniel Padilla sa isa umanong podcast kung saan niya inamin na hindi raw niya kilala si “Joy”.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Enero 15, tinalakay  ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasabing panayam kung saan pinag-usapan nina Daniel at ng mga host ang mga pelikulang ginawa nito.

“Paborito ng iba, si ‘Barcelona’, si Mia. Si George sa ‘Hows of Us’. Tapos si ‘Joy’ hindi raw niya kilala kasi ‘di niya pinanood,” kuwento ni Ogie,

“Idinidikit pa naman ni Kathryn sa kaniya ‘yong success no’n. Na naging part siya ng success ng kaniyang career,” aniya.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Si “Joy” ay ang karakter na ginampanan ng ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” kung saan niya nakatambal si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Matatandaang may mga naglabasang ulat na tila insecure daw si Daniel kay Alden kaya kahit binati siya ng huli ay dinedma niya ito.

MAKI-BALITA: Daniel, insecure kay Alden?

“Mayroong isyu diyan na parang nagalit si Daniel o hindi niya pinansin si Alden kahit binabati siya ni Alden. Parang sumuplado si Daniel daw doon,” saad pa ni Ogie.

Pero sa isang panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ipinaliwanag ni Daniel na kaya raw hindi siya nag-reply sa text ni Alden sa kaniya noon ay dahil sa personal daw niya mas gustong makausap ang kapuwa aktor.