Marami raw ang nagtataka kung bakit wala si Kapamilya actor McCoy De Leon sa kaarawan ng kaniyang partner na si Elisse Joson kamakailan.

Sa latest episode ng Marties University nitong Lunes, Enero 15, tinalakay ng host na si Rose Garcia ang tungkol sa isyung ito.

Ayon kay Rose, sinorpresa raw si Elisse ng kaniyang ina noong kaarawan niya. Inimbitahan daw nito ang mga malalapit na kaibigan ng aktres gaya nina Alexa Ilacad, Michelle Vito, at iba pa. Naroon din syempre sa nasabing party ang anak nina Elisse at McCoy na si Felize.

“Ang haba ng caption ni Elisse ng pasasalamat. Pero talagang hinahanap ko, hindi niya pinasalamatan o hindi nabanggit si McCoy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“So tiningnan ko ‘yong ibang post ni Elisse, in fairness, mayroong naging surprise din si McCoy kasama si Felize. Parang binigyan nila ng cake, ng letter si Elisse,” aniya.

Dagdag pa ni Rose: “Pero ito nga, ‘yong mismong mommy niya [Elisse] ang nagpa-surprise party. Missing in action si McCoy. So, nagtanong-tanong ako. Sabi ko, bakit po, wala si McCoy? Binigyan ko pa ng benefit of the doubt, e. Dahil baka mamaya, may taping or may ibang schedule.”

Pero ayon daw sa source ni Rose: “Wala raw talaga. Mukha ngang medyo hindi okay ang relationship yata ng mommy ni Elisse at ni McCoy.”

Sa kasalukuyan, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksiyon, at komento ang magkabilang panig para pabulaanan o kumpirmahin ang tungkol dtio.