Mukhang to the rescue ang aktor na si Matteo Guidicelli sa TV host na si Robi Domingo nang sumangguni ito sa netizens kung ano-ano ang mga tip at suggestion na maibibigay nila ngayong may asawa na ito.

Sa X post kasi ni Robi nitong Lunes, naglatag siya ng mga bagay na hindi niya dapat kalimutan bilang asawa.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Note to self: 1. Ihiwalay ang puti sa decolor; 2. Ibaba ang toilet seat; 3. Magwalis, para happy si misis,” aniya. “May suggestions and tips pa kayo? 😅”

MAKI-BALITA: Matapos ikasal: Robi, humingi ng tips para sa buhay may-asawa

Ni-repost naman ni Matteo ang post ni Robi at may simpleng pahayag na, “t[e]xt me.”

https://twitter.com/mateoguidicelli/status/1746749639888695783

Matatandaang ikinasal si Matteo kay Sarah Geronimo noong Pebrero 2020 kaya naman mukhang marami rin siyang maisha-share kay Robi tungkol sa buhay may-asawa.

Ikinasal naman si Robi sa long time partner niyang si Maiqui Pineda noon lamang Enero 6 sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan.

MAKI-BALITA: Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na