Itataas na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang premium contribution ng mga miyembro nito simula ngayong taon.

Sinabi ni PhilHealth President, Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, nasa ₱500 hanggang ₱5,000 na ang magiging premium contribution ng bawat empleyadong sumasahod ng mula ₱10,000 hanggang ₱100,000 kada buwan.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Pagdidiin ni Ledesma, malaki ang maitutulong ng nasabing premium rate adjustment para sa miyembro at empleyado nito dahil sa  makukuhang benepisyo sa bawat mangangailangan ng serbisyo ng PhilHealth.

Gayunman, nilinaw ni Ledesma na ititigil nila ang implementasyon nito sakaling iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.