Humirit ng hiling ang aktres na si Alessandra De Rossi kay Ultimate Heartthrob Piolo Pascual para sa kanilang future collaboration project.

Sa latest Instagram post ni Alessandra nitong Biyernes, Enero 12, mababasa ang birthday meesage niya kay Piolo.

“Happy happy birthday to my Fuffy, my Raymond and the pambansang PAPAPI. 😘 alam ko 300 years old ka na, pero di naman halata!!!” ani Aleesandra.

Dagdag pa niya: “Pero sana next collab natin, ang role mo ay father ko. Pwede na eh. I love you Peeeeej…..”

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Hiniritan naman ng mga netizen si Alessandra na sana raw ay sila na lang talaga ang magkatuluyan sa totoong buhay. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Sana kayo nalang…sana kayo nalang forever 🔥🔥🔥”

“Kayo na lanh kasiii”

“Totohanin na lang kasi”

“If may PTEX dapat my PLEX. Lol!😂”

“Pwd nman Sugar Daddy😂”

Matatandaang nagkasama sina Piolo at Alessandra sa “My Amanda” noong 2021. Tungkol ang pelikula sa dalawang karakter na sa kabila ng pagiging malapit sa isa’t isa ay nanatili lamang magkaibigan.