Inusisa si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith tungkol sa pagpapakasal sa jowa niyang si Jeff Ortega nang sumalang siya sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong Lunes, Enero 8.

Nabanggit kasi ni Boy ang tungkol sa pagli-live in nina Jasmine at Jeff.

It turns out na around 22 or 23 daw ang Kapuso actress noong una silang magsama ng jowa niya sa iisang bubong.

“At that point, mag-isa na po talaga ako in my own place, in my own apartment. With his work always taking him to different places, kapag may panahon siyang umuwi or mabisita po ako, sa akin na rin siya natutulog noong panahon na ‘yun, Tito Boy,” pagbabahagi ni Jasmine.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero wala naman daw kaso ang bagay na ito sa pamilya ni Jasmine dahil sobrang laki daw ng tiwala ng mga ito kay Jeff.

“It kinda naturally just happened. Una, may maleta siya. Tapos, eventually, ‘here…may closet space ka na kaunti’. Hanggang sa may isa na siyang closet for himself,” sabi pa niya.

Kaya naman, naitanong na rin ni Boy ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal: “Are you guys talking about marriage or getting married?”

“We have talked about marriage. We have always been aware of our end goal. Ayaw namin, Tito Boy, na parang hindi kami aware sa timeline namin, and kung ano ‘yung iniinvest namin sa isat-isa,” saad ni Jasmine.

“Kasi sayang din po 'yung 8 years na rin ‘yung investment, not just sa relationship but 8 years of my life, of my growth, and likewise na rin po kay Jeff," dagdag pa niya.

Sa usapin naman ng break up, wala raw naramdamang takot sina Jasmine at Jeff sa kabila ng mga hiwalayan ng mga celebrity couple noong 2023.

“To be honest, parang wala kaming naramdaman. As in wala kaming fear pareho. We’re just too distracted by everything we’re trying to make happen para sa sarili namin,” pahayag ni Jasmine.

Nagsimulang maging mag-jowa sina Jeff at Jasmine noong Pebrero 8, 2016.