Itinanggi ng Commission on Higher Education (CHED) na tinanggal na nila ang K-12 program ng pamahalaan.

Sa pahayag ni CHED chairman Prospero de Vera III, walang kapangyarihan ang CHED upang tanggalin ang senior high school (SHS) program at nilinaw na pinaalalahanan lamang nila ang mga state universities and colleges na itigil ang programa. 

Ipinaliwanag ni De Vera, wala nang legal basis upang ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga SHS students dahil natapos na ang transition period ng K-12.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

“I was surprised by the fake news and insinuations that have been circulating, so I’d like to make clear — K to 12 is not abolished and CHED has no authority to abolish senior high. Because I've been getting reports complaining that I have abolished senior high school. That’s not within the jurisdiction of CHED,” pahayag ni De Vera sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

Paglilinaw ni De Vera, matagal nang itinigil ng ilang state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) ang implemetasyom ng programa sa mga nakaraang taon.

Gayunman, aminado si De Vera na pabor ang ilang SUCs sa pagkuha ng mga estudyante ng SHS dahil ang K-12 ay nagsisilbing "feeder program" para sa kanilang specialization.

"For example, our maritime schools want to experiment with the senior high curriculum that goes into the maritime education. Our engineering schools want STEM programs so that it becomes a feeder program for their courses,” paliwanag ni De Vera.

Lumobo na rin aniya ang bilang ng mga naka-enroll sa SUCs kaya't kinakailangang magdagdag ng pasilidad at mga guro ang SUCs para mga estudyanteng kumukuha ng higher education courses.