Naging maganda ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga kalahok na pelikula sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Ayon kasi sa ulat ng ABS-CBN News, as of Sunday, January 7, umakyat na raw sa ₱1 billion ang kabuuang kita ng sampung pelikula sa nasabing film festival.

Kaya naman, nagpaabot ng mensahe ang MMFF sa mga Pilipinong naglaan ng oras at pera para tangkilikin ang mga lahok na pelikula.

“Isang bilyong pasasalamat, isang bilyong pagmamahal. Buong bansa ang nakisaya sa #MMFF2023. Maraming salamat po,” saad ng MMFF sa kanilang Facebook page.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Bago pa man ito, nauna nang naiulat na umabot na sa ₱700 million ang total gross ng mga pelikula sa MMFF 2023 noong Enero 2.

MAKI-BALITA: Total gross ng MMFF 2023 umabot na sa ₱700M

Dahil dito, lumulutang ang mga bali-balita na i-extend daw ng pamunuan ng MMFF ang showing  kanilang mga pelikula.

MAKI-BALITA: MMFF 2023, posibleng ma-extend?