Na-screenshot ng mga marites ang Instagram post ni Kapamilya star Richard Gutierrez hinggil sa isang quote card patungkol sa "past, present, and future."

Aniya sa ibinahaging quote card:

"The past is for learning."

"The present is for living."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"The future is for growing."

Photo courtesy: Richard Gutierrez (IG)/via Fashion Pulis

Bagama't wala namang tinukoy kung para saan o kanino ito, iniugnay ito ng mga netizen sa break-up rumor sa kanila ng misis na si Sarah Lahbati.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang kumpirmasyon mula sa kanila sa kung ano na ba talaga ang lagay o estado ng kanilang relasyon.

Dahil sa tila parinigan ng kanilang mga magulang sa social media kaya nasasabi ng netizens na may "something wrong" sa relasyon nilang dalawa.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"How sad. All parties are hurting. I wish them all fast healing."

"Hope for your blessed present and future."

"Gwapo ni Richard. Pinapanood ko siya sa mga serye niya. But this latest hullabaloo eh negative ang effect sa kanya. Lalo na at sawsaw din un nanay niya na hindi makaunawa na malaking damulag na un anak niya to handle his own affairs and solve his own problems. Kahit manager pa siya. Nega ang effect niya."

"Sayang talaga. Hope they become friends through they children."

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

MAKI-BALITA: Ina ni Sarah, isiniwalat arrangement ng anak kay Richard

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

MAKI-BALITA: Sey mo Annabelle? ‘Don’t mind dogs barking,’ kuda ng padir ni Sarah

MAKI-BALITA: Erpat ni Sarah Lahbati, may patutsada ulit kay Annabelle Rama?