Masosolusyunan umano ng isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Liga ng Transportasyon at Operator ng Pilipinas (LTOP) national president Orlando Marquez, sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, Enero 6, subok na ang nasabing hakbang dahil ginawa na rin ito ng Singapore.

“Kami po ay nakasuporta dito sa modernization na ito dahil nga po na gusto natin na mai-transfer naman iyong mga maunlad nang bansa kagaya ng Singapore, ay dati problema nila iyong traffic sa Singapore,” ani Marquez.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Makararanas din aniya ng kaginhawaan ang mga manggagawang Pinoy kapag tuluyang ipinatupad ang modernisasyon.

Idinagdag din ni Marquez na dapat nang simulan ng pamahalaan ang "road rationalization" upang hindi maapektuhan ang mga pasahero.

Matatandaang kinontra ng ilang transport group ang programa dahil bukod sa tinatanggal nito sa kalsada ang mga tradisyunal na jeep, hindi rin nila abot-kaya ang presyo ng bawat unit ng modernong jeep.