Isiniwalat ng aktres na si Empress Schuck ang masaklap na nangyari sa kaniya noong 2023.

Sa Instagram post ni Empress nitong Lunes, Enero 1, malungkot niyang ibinalita na dalawang beses daw siyang nakunan.

“This year, we would’ve been a family of four or even five. From two embryos, to one, then to none. I’m still not sure how to talk about it. I just know that sometimes our plans for ourselves don’t align with God’s plans for us,” saad ni Empress sa caption ng kaniyang post.

Pinasalamatan naman ng aktres ang asawa niyang si Vino Guingona na lagi raw nasa tabi niya at tinitiyak na maayos ang kalagayan niya sa kabila ng nangyari.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“You are truly God’s blessing to me,” ani Empress.

Dagdag pa niya: “We may not exactly understand how we feel about this but having each other is enough to say that everything will be ok. To our family who showed us care and love, thank you and we appreciate all of you.”

Nagpaabot naman ng mapagkalingang komento ang ilan sa kaniyang mga kapuwa celebrity. Narito ang ilan:

Melissa Ricks: “Love you empay... In Gods perfect time❤️🙏🏻”

Iya Villania: “So sorry to hear this, Empress :(“

Sue Ramirez: “Hugs and prayers, Ate @itsempressita 🥺🤗♥️”

Kitkat: “Awwwww akap @itsempressita love u”

Jason Abalos: “🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

Aoui Regala: “Praying for your family. Kapit lang. 🙏🏻”

Ryza Cenon: “Hugs🙏🏻♥️”

Chito Miranda: “🙏🏼❤️”

Sa kasalukuyan, may isa namang anak na babae si Empress kay Vino na magsisiyam na taong gulang sa darating na Setyembre.