Pasok ang ilang Pinay beauties sa "100 Most Beautiful Faces of 2023" ng UK-based TC Candler.

Pinangungunahan ito ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na nasa rank 16.

Bukod kay Andrea, pasok din ang Kapamilya stars na sina Ivana Alawi (rank 21), Janine Gutierrez (rank 45), at Belle Mariano (71).

Ang dating Kapamilya star na si Liza Soberano ay pang-28 naman.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Dahil dito, marami tuloy ang nang-iintrigang si Andrea ang pinakamagandang Pinay celebrity ngayon, kung pagbabatayan ang ranking.

Sa mismong fan-based na Facebook page na nakapangalan sa kaniya, tinawag na nga siyang "pinakamagandang babae sa Pilipinas."

May mga nagsasabi ring tila "natalbugan" ni Andrea si Kapamilya star Kathryn Bernardo na wala sa listahan.

"Bakit walang si Katreng?" sey ng isa.

Anang isa, "Ay, so si Andrea ang pinakamaganda sa lahat?"

"Naungusan na naman ni Andrea ang lahat," kuda naman ng isa pa.