Tila ini-enjoy na talaga ni “It’s Showtime” host Kim Chiu ang kaniyang pagiging single matapos nilang kumpirmahin ang hiwalayan nila ng jowang si Xian Lim.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Sa latest vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz noong Sabado, Disyembre 30, iniulat niya na nagkita raw sila ni Kim sa Universal Studios sa Amerika. At kasama raw nito ang kaibigang aktres na si Bela Padilla.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Sa kabila ng mga ibinabalita namin ditong sad news sa love life ni Kim Chiu ay nagkatawanan na lang kami at nagkayakapan ni Kim,” ani Ogie.

Ayon pa sa showbiz columnist, mas pinili rin daw niyang huwag nang ungkatin pa ang tungkol sa nakaraan ni Kim dahil tila nag-eenjoy naman ang aktres sa pagbabakasyon nito sa nasabing bansa.

Samantala, makikita sa latest Instagram post ni Kim na tatlo na silang magkasama sa larawan dahil bukod kay Bela ay nandoon na rin ang isa pa niyang kaibigang si Angelica Panganiban.

“#AngBeKi reunite!!! Ending the year with these two beautiful people!!!🩷💛❤️ love you momsys!!!😘 @bela @iamangelicap (PS nabili ko na ang gatas ni bean!😅)” saad ni Kim Chiu sa caption ng kaniyang post.

Kaya ngayong darating na 2024, makamtan na sana ni Kim nang tuluyan ang paghilom na nararapat sa puso niyang nasaktan at nasugatan.