Tila may sagot na si Megastar Sharon Cuneta sa mga na-curious na netizen sa "pag-crop" niya sa ulo/mukha ng mister na si dating senador at vice presidential candidate Atty. Kiko Pangilinan nang bumati siya sa nagdaang Pasko.

Marami tuloy ang nag-alala kung okay pa ba sila ng mister, lalo't usong-uso ang hiwalayan ngayon sa showbiz.

MAKI-BALITA: Sharon pinutulan ng ulo si Kiko

MAKI-BALITA: Sharon, ‘di masaya kay Kiko?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinahagi ni Shawie ang larawan nila ng mag-anak nang magtungo sila sa Gabi ng Parangal para sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Makikitang naka-crop o pinutol niya ang ulo niya rito.

"Eto na po- it's a tie!" aniya kalakip ang laughing emojis.

Photo courtesy: Sharon Cuneta (IG)/via Fashion Pulis

Agad din naman itong binura ni Shawie.

"Pamily Ficture papunta po sa MMFF Gabi ng Parangal ngayon. Live po ngayon sa FB! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻❤️❤️❤️ (Dedelete ko na po yung pugot ulo ako sa baba ayaw ni sister Lala ko!)," aniya na tumutukoy kay MTRCB Chairman Lala Sotto.

Sa isang Instagram post, nilinaw ni Mega na bagama't hindi sila perfect couple ni Kiko ay maayos naman silang dalawa.

MAKI-BALITA: Sharon, nag-‘I love you’ kay Kiko matapos putulan ng ulo

“Kiko @kiko.pangilinan and I are not perfect. We may be going in different directions, disagreeing about the future…but all these qualities, he has,” saad ni Sharon sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “I married a good and honest man. Thank you, neybor. 🙏🏻💖🎄Love you always, and thank you too for being a great Dad to our kids.”

“I love you too❤️💯. Love thy neighbor ❤️❤️💯💯🙏@reallysharoncuneta,” tugon naman ni Kiko.