Isang miyembro ng terrorist group na kabilang sa wanted persons sa Zamboanga Peninsula ang naaresto ng pulisya sa Basilan nitong Linggo ng gabi, ayon sa pahayag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Lunes.

Under custody na ng CIDG-Zamboanga si Norkisa Omar Ibno, alyas Norkisa Omar Annalulu, 32, administrative staff ng Attaqwa Islamic Institute Inc. matapos dakpin sa Sitio Bliss, Barangay Lanote, Isabela City nitong Disyembre 24 ng gabi.

Paliwanag naman ni CIDG chief Maj. Gen. Romeo Caramat, matagal nang pinaghahanap ng batas si Ibno dahil sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Shaldilyn Bara Bangsaja ng Regional Trial Court Branch 33, Zamboanga City nitong Disyembre 20 sa kasong paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 (RA 10168) at Anti-Terrorism Act of 2020 (RA 11479).

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Ibno.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Si Ibno ay asawa ni Ramji Asnalul, dating miyembro ng Abu Sayyaf Group na naiulat na namatay kamakailan.

“Norkisa Omar Ibno is reportedly one of the cohorts and associates of Myrna Ajijul Mabanza, listed as being in association with ISIL (Islamic State in Iraq and the Levant) or Al-Qaeda for participating in the financing, planning, facilitating, preparing, supporting, supplying, selling, and transferring arms and other related materials to ISIL,” pahayag pa ni Caramat.

PNA