Aminado si Megastar Sharon Cuneta sa naging pagkukulang niya sa kaniyang anak na si KC Concepcion.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Disyembre 19, tinanong ni Boy si Sharon kung saan daw nagkulang at sumobra ang huli bilang ina.

“Kay Kakie, kay Miel, kay Miguel, hindi ako nagkulang sa pagmamahal, paalala. Kay KC nagkulang ako malamang sa oras kasi I had to be both mom and dad. Someone had to put food on the table, someone had to pay for her tuition fees,” saad ni Sharon.

“So, KC at a very young age learned to also–I would always tell her you don’t need a man to have a good life. You just work,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag pa ni Megastar, naging overprotective din umano siya kay KC noon dahil ayaw niyang magulong ang buhay ng kaniyang panganay.

“Remember, halos ‘di ko ipakita public noong medyo nag-13 na. 14. ‘Yong marami nang offers noon. I was so scared. Kasi anak namin siya ni Gabby. Iba ‘yong anak namin ni Kiko. Kasi Sharon, Gabby was a love team. So, ayaw kong magulo ang buhay ng anak ko. Dahil baka paglaruan noon ng ibang tao, ng ibang press,” sabi pa ni Sharon.

Sa kasalukuyan, tila in good terms naman sina Sharon at KC. Nag-reunion pa nga silang buong 

mag-anak sa concert ng “Dear Heart” noong Oktubre.

MAKI-BALITA: ‘Family reunion?’ Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage