Nakamove-on na umano ang TV host-actress na si Miles Ocampo sa ex-jowa nitong si Elijah Canlas.

Matatandaang kinumpirma ni Elijah noong nakaraang buwan ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila ni Miles.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Disyembre 18, iniulat ni showbiz columnist Ogie Diaz ang tungkol sa napag-usapan umano nila ni Miles.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Usap-usapan kasi kamakailan ang pagkikita nina Miles at Elijah sa Metro Manila Film Festival 2023 Parade of Stars at napansin umano ng ilang madlang netizens ang tila malamig na pakikitungo ng TV host-actress sa kaniyang ex-jowa.

MAKI-BALITA: Elijah, Miles spotted sa MMFF 2023 Parade of Stars

“Pero buti na lang at nakausap ko si Miles Ocampo noong premiere night sa Trinoma ng A Family of Two (A Mother and Son Story),” saad ni Ogie.

“Nilinaw ni Miles na nag-usap naman sila during parada ng MMFF entries. Pero hindi lang ito nakunan ng camera. Kaya huwag na raw itong intrigahin pa. Idinagdag pa ni Miles na nag-usap na sila ni Elijah at okay naman sila ng aktor matapos silang maghiwalay,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist, ayaw umanong magbigay ng komento ni Miles kung may third party umano sa panig ni Elijah.

“But definitely, wala raw third party sa side niya. Nasabi lang ni Miles na naka-move on siya at okay na siya ngayon,” pasubali ni Ogie.

Matatandaang nali-link si Elijah sa kaniyang dalawang co-star sa teleseryeng “Senior High”.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas nahulog kina Andrea Brillantes, Daniela Stranner?