Dalawa ang naiulat na nasawi makaraang masunog ang isang bus terminal sa Marikina City nitong Linggo ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang binawian ng buhay.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa paunang ulat ng Marikina City-Bureau of Fire Protection (BFP), ang insidente ay naganap sa BFCT East Metro Transport Terminal sa Barangay Calumpang, dakong 9:42 ng umaga.

Nagkakarga umano ng mga bagahe ang isa sa mga sasakyan sa terminal nang sumiklab ang sunog.

Sa pahayag ng ilang saksi, nakarinig pa sila ng mga pagsabog bago nagkaroon ng apoy sa terminal.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal ng 30 minuto.

Natagpuan naman ang mga bangkay ng mga biktima sa pagitan ng mga nasunog na truck at bus, na nakaparada sa terminal.

Nadamay sa sunog ang isang malaking truck, isang bus at isang closed van.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may mga ikinakargang paputok sa mga sasakyan bago maganap ang insidente.