Ang lungsod ng Maynila ang napili ng Landbank of the Philippines (LBP) bilang benepisyaryo ng kanilang gift-giving activity.

May be an image of 16 people, tree and text

(MANILA PIO/FB)

Nabatid na may 500 community children at maging kanilang pamilya ang tumanggap ng regalo sa LBP nitong Linggo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

May be an image of one or more people, clarinet and crowd

(MANILA PIO/FB)

Labis naman ang pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna sa LBP dahil sa pagpili sa Maynila bilang beneficiary sa nasabing aktibidad.

Bilang pagpapakita naman ng apresasyon sa pagpapadama ng  kanilang ginintuang puso, pinagkalooban ng lokal na pamahalaan ng Plaque of Appreciation ang mga kinatawan ng Landbank.

Ang aktibidad ay dinaluhan ni  Manila Department of Social Welfare (MDSW) head Re Fugoso, Landbank Executive Vice President Alex Lorayes, Senior Vice President Joselito Vallada Vice President Mira Leah Patio, Manager Mildred Reyes at kinatawan mula sa iba't-ibang departamento ng  Manila City Hall.