Bina-bash umano ang showbiz columnist na si Lolit Solis dahil kay Kapamilya star Andrea Brillantes.

Sa Instagram post ni Lolit nitong Linggo, Disyembre 10, sinabi niyang naloka raw siya nang malaman ang tungkol sa nasabing pamba-bash.

“Kaloka talaga na parang national disaster ang break up ng Kathniel, Salve. Pero lalo ako naloka ng may magsabi sa akin na bina bash daw ako dahil mas pinupuri ko daw si Andrea Brillantes kesa kay Kathryn Bernardo,” saad ni Lolit.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Para kay Lolit, nakakatawa umano ang nasagap niyang balita dahil pareho naman daw niyang gusto sina Kathryn at Andrea kahit hindi niya ka-close ang dalawa. Sa katunayan, ang tingin niya sa mga ito ay parang mababait na bata base sa mga kuwentong naririnig niya. 

“Ngayon nga na very hot sa news si Andrea ang perfect time para ipakita niyang talented siya at hindi tutoo ang ilang bagay na sinasabi about her,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Basta kung talagang sasamantalahin ni Andrea ang pagkakataon, now is her time. At talagang seryoso ako na ang sarap niyang ihandle dahil sa mga issues niya.”

Matatandaang kamakailan lang ay nagpahayag ng pagkaawa si Lolit kay Andrea sa pamamagitan din ng Instagram post.

MAKI-BALITA: Nakakaawa man: Andrea hot, wild at parang young bold star na pang-teeners daw

Kasalukuyan kasing nadadawit si Andrea sa isyu ng hiwalayan ng KathNiel matapos kumalat ang balita na palihim umano silang nagkikita ni Daniel.

MAKI-BALITA:  Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?