Binigyang-pugay ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang reggae artist at finalist ng The Voice of the Philippines Season 2 na si Kokoi Baldo, na pumanaw nitong Biyernes, Disyembre 8.

Sa kaniyang Instagram post, pinasalamatan ni Sarah si Baldo sa pagbabahagi umano nito ng talento sa musika.

“Maraming salamat at ibinahagi mo sa amin ang talento mo sa musika.. Marami po akong natutunan sa inyo lalo na ang prinsipyo nyo sa buhay,” mensahe ni Sarah kay Baldo.

“Maraming salamat Sir Kokoi. May your soul rest in God's presence,” dagdag pa niya.

The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo, pumanaw na

Si Sarah ang naging coach ni Baldo nang sumali ito sa Season 2 ng “The Voice of the Philippines” noong 2014.

Nito lamang namang Biyernes nang mamaalam na ang reggae artist dahil umano sa aksidente.